OHJIENANA
Random thoughts turn to kwentos.
Monday, January 5, 2015
Naniniwala ka ba sa Forever?
Marami sa'tin ngayon nakikipagbangayan kung may forever ba o wala? Sabi ng mga luhaan, nasaktan, at nabigo wala daw forever kasi hinde daw totoo 'yun parang mga lalaking sa wattpad o pocketbooks, KATHANG ISIP lamang o mas kilala sa tawag na IMAHINASYON. Para naman sa mga kasing colorful ng rainbow ang lovelife syempre makikipagpatayan sila para maipagtanggol na may FOREVER.
Pero ano ba talaga?
May Forever ba o Wala?
Para kasi sakin nasa tao 'yan kung paano nila titignan kung may FOREVER ba. 'Yung iba kasi mabreak lang ng jowa si forever na agad ang sisisihin kesyo "Wala kasing forever". Kawawa naman si Forever na laging nasisisi na dahilan ng break-up. Come to think of it, ang BREAK-UP ginawa para makapliwanagan kayo. Kasi kung kayo ang destined sa isat-isa salita lang BREAK-UP, Kahit umabot ng taon kung kayo, kayo talaga. Wala 'yun sa kung may Forever ba o wala.
Dati, isa din ako sa libo-libo na bitter sa mundo na binunton ang sama ng loob at galit kay FOREVER. Pero alam nyo ba kung anong nakuha ko? WALA. BOKYA. ZERO. Mukha lang akong tanga na Hugot ng Hugot at Laban ng Laban kay Forever when in fact, hinde naman talaga dapat. Sabi nga ng isang kakilala, di basehan ang FOREVER pag dating sa pagmamahal kasi ang LOVE parang sugal, It's either manalo ka o matalo.
Wala naman talagang nakaka-alam kung may forever eh, nasasayo 'yun kung maniniwala ko o hinde, wala namang mawawala eh.
Ano bang pinaglalaban ko? Hinde ko din alam. Naiinis kasi ako minsan kapag naririnig ko yung mga classmates ko na nagaaway kung may forever ba o wala. Ang pathetic na pakinggan mukha pa silang tanga to think na teen-agers pa lang sila. My sister once said, "Kapag nasa teen age ka pa lang wag mong dibdibin ang pag-ibig likurin mo! Lol, kidding aside ang Love ng teen-age dapat inspirasyon lang muna. Dahil ang love kaylangan din mag-grow."
-Ohjienana
Subscribe to:
Posts (Atom)
